Akala ko makakapagenroll na ako ngayon.
- Matapos ang matagal na paghihintay sa traffic kaninang umaga (tatlong oras na byahe).
- Paghihitay sa pagbukas ng Dean’s office
- Pag-akyat baba (Registrar to Computer Lab to Registrar to Computer Lab)
- S.C Office
Tapos malalaman ko, kailangan ko pang bumalik ulit bukas. Anak ng tinapang nilagay sa champorado. Nakakaasar lang. Half day nanaman tuloy ako sa OJT bukas. :|
Pangatlong araw ko na sa nilipatan kong company for OJT. At oo, nagresign na ako dun sa una kong pinasukan (well actually, basta hindi nalang ako pumasok dun. Haha)
Tamang desisyon talaga na lumipat ako. Una sa lahat mas malapit sa bahay namin yung nilipatan ko. Pangalawa, sa MIS department na talaga ako inassign. Pangatlo, tinuturuan talaga kami ayon sa objectives ng OJT namin. Yung pakiramdam na hindi trabaho yung ginagawa namin, parang workshop na masaya. :)
Wala lang, buti nalang talaga lumipat ako.
Hindi ko alam kung baliw ba ako oh ano eh.
First day ko palang kasi sa OJT ko kanina. At ngayon pakiramdam ko gusto ko na mag resign agad, tapos mag aapply nalang ako sa iba. Ewan ko ba. Para kasing may mali sa task na binigay sakin buong araw. Kasi pakiramdam ko irrelevant yung pinagawa sakin sa course namin. Answering the freaking phone calls for 8 hours felt like an eternity. Halos dumugo na yung kanang tenga ko, dahil literal na kakatapos lang ng isang tawag meron agad. :|
Tapos yung pakiramdam na parang useless ako. Yun yung pinaka ayaw kong pakiramdam eh. Kasi sa opinyon ko, yung task na binigay sakin dapat ang gumagawa nun eh yung masasagot yung mga “technical questions” at iba pang mga pasikot sikot tungkol sa “other details” about the company. Eh wala. Saglit lang yung briefing ko, tapos ang nag turo pa sakin kapwa trainee ko din. Feeling ko talaga ang useless ko kanina, sobra. Nakakahiya nga na almost every call nagpapatulong ako dun sa mga kapwa trainees ko para sagustin yung mga tanong, buti nalang ang babait nila. Siguro mga less than 20 lang yung nasagot ko yung mga tanong ng hindi nagpapatulong out of almost 100 calls.
Eto ata yung sinasabi nilang “Pag hindi ka masaya sa ginagawa mo, hindi ka magtatagumpay. Kaya dapat humanap ka ng magagawa mo na gusto mo talaga at masisiyahan ka”
Gusto ko na umalis talaga. Pero pumapasok sa isip ko yung quote na “Quitters never win. Winners never quit.”
Hindi ko alam kung sadyang over thinker lang ako oh ano pero maraming nangyaring hindi maganda sakin bago ako nakapasok dun sa company na yun eh. (OMEN? Haha):
- Nung araw na mag aapply na ako. Absent yung incharge, so kinabukasan pa ako nakapag apply.
- Nung pabalik na ako ng school, mali pala yung nasakyan kong jeep.
- Nung bumalik na ako kinabukasan dun sa company. Kulang papala ako ng photocopy ng isa pang requirement, tapos ang haba ng pila sa photocopy center.
- Pagpasok ko kanina, napa transfer bus kami sa may Quirino.
- Sobrang aga ko kanina 7:30 palang nandun na ako, wala pa yung iba kong mga kaklase na trainee din. Saka 8:00 pa daw dadating yung incharge sa mga trainees.
- Useless yung pagiging maaga ko, dahil nakapag time in ako ng 8:20 na.
Hahha. Ewan ko ba. Sino pwedeng tumulong sakin gumawa ng resignation letter?
Dapat nag start na ako mag OJT ngayong araw na ito. Pero eto, wala akong napala ngayon at kanina ko palang pinuntahan yung inemail kong company. Gusto ko sana dun talaga, maganda yung opisina nila at nasa linya talaga ng course ko yung company nila. Pero nakakaasar lang kasi ang daming arte, kesyo magdedecide pa daw yung si ganito at si ganyan. Eh bago pa mag holy week ako nag apply at saka hindi pwedeng maghintay ako sa wala. Tsk. Bakit ba kasi hindi din ako agad nag apply sa iba. :| /laslas
Pero ok lang sakin, ganun talaga. Sabi nga nila “When one door closes a window opens” HAHAHA. Ang problema lang kasya ba ako sa window?
Sana lang matanggap na ako dun sa isa ko pang inapplyan kanina. Lagot ako sa Professor ko bukas pag nagtanong tungkol sa OJT namin. Hahaha.
Pinanood ko yung Inside the Titanic kagabi. Nakakaiyak at nakakalungkot. Yung tipong alam mong maraming babawian ng buhay pero umaasa ka na masasagip silang lahat. Lungkot lungs.
Yung crew member na naipit yung paa sa water tight door tapos yung Chief Engineer na tinulungan sya. Si Mr. Jack at si Mr. Milton. Si Elizabeth at si Virginia. :| :| :| :|
Kakilabot lang yung last scene. Yung may voice over na sinasabing dinesenyo ang Titanic para maging perpekto, tapos pinapakita na lumulubog na yung barko.
Gusto ko tuloy panoorin ang Titanic in 3D.
Kadepress! :|

Third year na pala ako sa June. Haha. Grabe ang bilis ng oras, tapos onting panahon nalang din graduate na ako. Wow. Just WOW. Pag naalala ko kung pano ako nakarating sa kinatatayuan ko ngayon napapangiti ako. Dati kasi, duda akong kakayanin ko.
Wala lang. Masaya lang ako at natapos din sa wakas ang 3rd trimester. Grabe, akalain mong naka survive ako sa sabay sabay na limang major subjects? Windang lang. Hinding hindi ko makakalimutan ang trimester na ito dahil sa subject kong Calculus. Dahil sa Calculus, natuto akong mag take risk. Yung tipong nasa ligtas na lugar na ako pero tinangka ko paring tumalon, walang kasiguraduhan kung may sasalo ba sakin o tuluyan akong babagsak. Naalala ko nung bago ako mag removal exam, tinanong ko yung Professor ko kung pagsisisihan ko ba na kumuha pa ako ng removal exam. Ang sinabi nya lang sakin, ako ang bahala dahil desisyon ko daw ang masusunod. Ang inisip ko nalang pagsisisihan ko lang naman yun kung hindi ko sinubukan.
Parang sa recitation lang, yung pagkakataon na alam mo yung sagot sa tanong pero nagduda ka kaya nanahimik ka nalang. And then, malalaman mo na tama pala yung sagot mo tapos magsisisi ka. Ayokong mangyari yun. Kaya ayun 8 hours kaming dirediretso na nag exam sa Calculus. Wagas lang. Pero it was worth it, dahil pumasa ako!! HAHAHAHA. Heck yeah!
Wala lang ang saya ko lang kasi BAKASYON na.
P.S Napapadalas na ata ang pag bloblog ko tungkol sa edad ko at kung gano kabilis ang panahon ah. Titigilan ko na nga at baka tumanda ako ng wala sa oras.